TINGNAN | Pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa senior executives ng US-based companies

TINGNAN | Pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa senior executives ng US-based companies na NuScale Power, WasteFuel, at Boeing, upang talakayin ang kooperasyon para sa pagpapaigting ng aviation at energy sector ng Pilipinas.

Umaasa ang pangulo na makakatulong ang mga kumpanya tulad ng mga ito na maisakatuparan ang layunin ng administrasyong Marcos sa pagsusulong ng sustainable development sa bansa, para sa kapakanan ng mga Pilipino. | via Racquel Bayan

Photos: Pangulong Marcos Jr. Official FB page

𝐏𝐑𝐄𝐒𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐍𝐈 𝐏𝐁𝐁𝐌 𝐒𝐀 𝐍𝐄𝐖 𝐘𝐎𝐑𝐊 𝐒𝐓𝐎𝐂𝐊 𝐄𝐗𝐂𝐇𝐀𝐍𝐆𝐄, 𝐍𝐀𝐆𝐃𝐔𝐋𝐎𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐎𝐒𝐈𝐓𝐈𝐁𝐎𝐍𝐆 𝐄𝐏𝐄𝐊𝐓𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐈𝐍𝐕𝐄𝐒𝐓𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐑𝐎𝐒𝐏𝐄𝐂𝐓𝐒 𝐒𝐀 𝐏𝐇

Positibo ang ibinunga sa mga negosyante ng ginawang pagharap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaninang umaga sa New York Stock Exchange (NYSE).

Ayon mismo kay John Tuttle, Vice Chair ng New York Stock Exchange, nagdulot ang pagtungo ng Pangulo sa NYSE ng positibong pag-asa at kumpiyansa sa hanay ng mga negosyante.

Ito’y kaugnay sa posibilidad na makapaglagak nga ng investment prospects at partnership opportunities sa bansa.

Bahagi ng working visit ni Pangulong Marcos sa Estados Unidos na maka-dayalogo ang ilang American traders kabilang na ang pinuno ng ilang US companies.

Bukod pa dito ang partisipasyon ng Presidente sa mga business roundtables sa harap ng target na maging emerging economy and investment destination sa Asia ang Pilipinas. |