MGA PINOY SA AMERIKA, PINAUUWI NA NI PBBM
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ang mga Pinoy sa Amerika na umuwi na sa Pilipinas
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa kanyang talumpati sa harap ng 1,200 Filipinos mula sa ibat-ibang lugar sa United States (US) at Canada gathered nitong September 18 sa New Jersey Performing Arts Center.
Pinuri ni PBBM ang lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa naging kontribusyon nila sa post-pandemic recovery at pinasalamatan din ang mga frontliner sa kanilang kabayanihan sa pagtupad sa tungkulin noong kasagsagan ng pandemya.
Ayon nay Marcos, dapat umuwi na ang mga Pinoy para baliktarin ang kalakaran ngayon na ‘brain drain’ sa Pilipinas at tumulong na mapaangat ang bansa.


Malugod naman na tinanggap.ng mga Pinoy sa Amerika ang paghikayat ng Pangulo.
