Mga kaso ng pagdukot, pagpaslang sa ilang mga kabataan, dapat agad na resolbahin ng mga awtoridad — Sen. Imee Marcos
Nanawagan si Senador Imee Marcos sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na agarang imbestigahan at panagutin sa batas ang sinumang nasa likod ng pagkawala ng mga indibidwal, lalo na ng mga kababaihan at kabataan nitong mga nakalipas na mga linggo.
Ang pinakahuling kaso ay ang isang kinse anyos na dalagita sa Bustos, Bulacan na matapos maiulat na nawawala, ay natagpuang patay at natuklasang ginahasa pa.

Sinabi pa ng senador na dapat kumilos ang mga pulis at iba pang law enforcement agencies upang agad na matigil na ang sunod-sunod na pagdukot at pagpatay sa ilang lugar.
Giniit ni Senador Imee na ikinababahala ng mga magulang ang nasabing mga insidente lalo pa’t balik eskwela na ang mga mag-aaral sa buong bansa. |
