PLANONG MERGER NG ABS-CBN AT TV 5, BUBUSISIIN SA KONGRESO
MALAKING PAGDUDUDA ni SAGIP Party List Rep. Rodante Marcoleta sa nakaplanong pagsasama ng dalawang big TV network sa bansa.
Dahil dito, isinulong ni Marcoleta sa Kongreso na imbestigahan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang nasabing planong merger ng TV 5 at ABS-CBN.


Sa panayam ng Radyo Pilipinas, sinabi ni Marcoleta na posibleng napapaikutan ang batas sa napipintong.pagsasanib pwersa ng .2 networks.
“TV 5 malaki yan, pagkatapos ABS-CBN, mamomonopolize ang industry dito. Wala bang say dito ang Philippine Competition Commission? Hindi naman ganun, kaya nga tayo naglatag ng ganitong agency para tingnan ang lahat ng kapakanan ng mga apektadong sektor. Magiging monopoly ito kung tutuusin mo diba?” paliwanag ni Cong. Marcoleta.
Bukod sa PCC, nanawagan din si Marcoleta sa National Telecommunications Commission (NTC) at sa Bureau of Internal Revenue na busisiin ang mga nakalap nilang ebidensya laban sa umano’y mga paglabag ng ABS-CBN. End

