HIGIT 1,000 PAMILYA SA ANTIQUE, NABIGYAN NG AYUDA MULA SA DSWD -LAPID

HIGIT 1,000 PAMILYA SA ANTIQUE, NABIGYAN NG AYUDA MULA SA DSWD -LAPID

NASA 1,100 pamilya ang nabigyan ng Assistance to Individual in Crisis Situation(AICS) mula sa DSWD-Western Visayas Region sa magkakasunod na payout para sa 18 bayan sa lalawigan ng Antique nitong July 9, 2024.

Sa pamamagitan ng tanggapan ni Senador Lito Lapid, nabiyayaan ang nasa 400 benepisyaryo ng tig-P5,000 bawat isa sa bayan ng Tobias Fornier, Antique.

Sumunod naman na binigyan ng ayuda ng Senador ang bayan ng Patnongon, Antique na umabot din sa 400 benepisyaryo ang nabigyan ng tig-P5,000

Namahagi rin si Lapid ng tig-5,000 piso sa 300 benepisyaryo mula sa bayan ng Sebaste, Pandan at Culasi.

Umabot sa kabuuang P5.5M ang naipamahagi ni Lapid sa mga benepisyaryo sa buong lalawigan ng Antique, kabilang na ang Senior Citizens, Solo Parents, PWDs at mga estudyante.

Kasama ni Senador Lapid sa nasabing payout, sina Senadora Loren Legarda at Cong. AA Legarda ng Antique.

Nagpasalamat naman sina Mayor Ernesto Tajanlangit ng Tobias Fornier,
Mayor January Padpad ng Sebaste, Mayor Johnnyflores Bacongallo at Vice-Mayor Thomas Bacaoco ng Patnongon, ABC President Julius Cezar Tajanlangit, Brgy. chairman Gregorio Bendol at mga Sangguniang Bayan members.

Todo-pasalamat naman ang mga benepisyaryo sa ibinigay ni Senador Lapid na napapanahong ayuda sa kanila na pang-matrikula sa mga anak sa pasukan, pambili ng pagkain at mga gamot.

(Admin)