LIMANG RESCUERS, NASAWI SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KARDING
NAMATAY ang limang rescuers sa kasagsagan ng bagyong Karding matapos tangayin ng tubig baha sa Barangay Camias, San Miguel, Bulacan nitong Linggo ng gabi.
Nabagsakan umano ng pader ang limang rescuers habang sakay ng bangka para saklolohan ang ilang residente doon.
“Meron tayong casualty na lima. Lima po, ating PDRRMO (Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office) galing probinsya, mga nag-rescue. Sila po ang namatay dahil tumama po doon sa pader,” ayon kay San Miguel Mayor Roderick Tiongson
Nakilala ang limang nasawi na sina Narciso Calayag, Jerson Resurecion, Marvy Bartolome, George Agustin at Troy Justin Agusin.











