Paglilinis sa listahan ng 4Ps beneficiaries, tiniyak ni Sec. Erwin Tulfo
Sinisiguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na lilinisisn nila ang listahan ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries sa bansa.
Tugon ito ni DSWD Secretary Erwin Tulfo, matapos sabihin ng World Bank na nakita nila na karamihan sa mga benepisyaryo ng programa ay hindi naman tunay na mahihirap.
Katunayan, 40 percent umano ng pondo ay napupunta lamang sa hindi karapat-dapat.
Sabi ni Sec. Tulfo, agad niyang pagtutuunan ng pansin ang paglilinis sa listahan upang makinabang naman ang tunay na mga nangangailangan.
Pagtitiyak niya, tatagal lamang ng apat hanggang limang linggo ang gagawin nilang paglilinis, kung saan posibleng umabot sa daang libo na kasalukuyang benepisyaryo ang sisipain nila sa talaan.
Una dito, mismong si Pangulobg Bongbong Marcos ang nagsabi sa DSWD, na linisin ang listahan at ilagay ang tunay na nangangailangan ng tulong ng Pantawid Pamilya Pilipino Program ng gobyerno.

