SENATOR-ELECT ROBIN PADILLA, NANGAKO NA HINDI BIBIGUIN ANG MGA PINOY
Mga kapatid, marami-maraming salamat po sa inyong buong pusong suporta at paniniwala.
Magsisimula pa lamang ang ating hakbang sa senado para sa pagpapanukala ng mga batas na maglalayong itaas ang kalidad ng ating pamumuhay.
Hindi ko po kayo bibiguin.
Samantala ayon kay Senator elect Ribin Padilla, kukunin niya si Atty. Salvador Panelo bilang legislative consultant, adviser, at mentor ng senatorial frontrunner Robin Padilla.
JUST IN | Chinese Ambassador Huang Xilian paid president-elect Bongbong Marcos a courtesy visit.
Amb. Xilian also officially handed the congratulatory note on behalf of H.E. President Xi Jinping of the People’s Republic of China on his election as the 17th President of the Philippines.
The Chinese embassy conveyed its hope “to bring the two countries Relationship of Comprehensive Strategic Cooperation to new heights.”
“BLACK SWAN” NA LAMANG ANG PIPIGIL SA PANALO NI BBM—POLITICAL ANALYST
PARA sa political analyst na si Edmund Tayao, “black swan” na lamang ang maaaring makapigil sa napipintong pagkapanalo ni presidential frontrunner Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa darating na halalan sa Mayo 9.
Wala ng pipigil sa panalo
Ang ‘black swan’ ay isang metaphor o matandang kasabihan na itinuturing na ang ‘black swan’ ay hindi nag-e-exist o “hindi mangyayari.”
Sa panayam sa ANC, sinabi ni Tayao na kung pagbabasehan ang mga resulta ng survey, si Marcos, na numero 7 sa official ballot ng Comelec, at kanyang running mate na si Mayor Inday Sara Duterte ay nakasisiguro na ang panalo sa darating na halalan sa Lunes.
“I was asked several times on what could be the reason (kung magbabago pa ba ang outcome ng eleksyon), the answer there is a “black swan.” I mean something that is unexpected. I can just hope and pray that if there will be a black swan, it will not be as disturbing,” ani Tayao.
Katulad ng ibang mga eksperto sa pulitika, naniniwala rin si Tayao na malaki ang ilalamang ni Marcos sa kanyang pinakamalapit na katunggali na si Leni Robredo.
“If our reference, and the only reference we have is the survey, it seems that the vice president will really have to settle in the second place,” anang political analyst.
Nito lamang Lunes, umiskor si Marcos ng 56 percent voter preference sa pinakahuling Pulse Asia survey na isinagawa sa 2,400 respondents nitong Abril 16- 21.
Nakakuha rin si Marcos ng 56 porsyento sa survey ng Pulse Asia nitong Marso at napanatili nito ang 33 porsyentong kalamangan kay Robredo na umiskor lamang ng 23 porsyento nitong Abril, o mas mababa ng isang puntos kumpara sa kanyang 24 voter preference nitong Marso.
Nasa malayong pangatlo si Manny Pacquiao na nakakuha ng pitong porsyento, habang si Isko Moreno na sumadsad sa pang-apat na pwesto ay nakakuha ng apat na porsyento at si Ping Lacson naman ay nanatili sa ika-limang pwesto na mayroong dalawang porsyento.
“This has been the trend all along since the filing of candidacy. I don’t remember any instance, not any other candidate, not VP Leni, not Mayor Isko, not Manny Pacquaio (ever) led in the surveys,” paliwanag ni Tayao.
“It’s quite unprecedented because it’s difficult to just compare the current survey to all previous elections considering that it’s a first time that a frontrunner would net more than 50 percent of all the respondents,” dagdag pa niya.
Binara rin ni Tayao ang mga pahayag ng ilang kampo na kumukwestiyon sa kredibilidad ng mga survey company sa bansa.
“In all the elections that we had, I don’t remember any other reference that we use to determine who may have an edge or who has an advantage in a particular area or region, other than the surveys,” saad ni Tayao.
“It’s quite interesting that we did that in every election and those who didn’t make it in the survey numbers always questioned the methodology and the validity of the surveys,” puna pa ng political analyst.
“If we go back in all the previous elections, the results of the elections always have been consistent with the numbers in the survey” giit niya.
Iginiit pa ni Tayao na survey lamang ang dapat pagbasehan ng suporta at hindi ang mga political rally ng mga kandidato.
“Many of those attending the rallies are also the ones attending previous rallies. So, it’s difficult to determine whether the massive attendance represent the support of a particular candidate in the particular area where the rally is being held,” Tayao also said.
Wala ng isang linggo ang halalan, kumbinsido si Tayao na mananalo si Marcos kahit pa may umatras na mga kandidato sa karera.
“All the tailenders, even if you put the numbers together will not be enough to unseat or to overcome the lead of the frontrunner,” aniya.
SEN. IMEE MARCOS: ELEKSYON SA MAYO KAILANGAN NG RESERBANG SUPPLY NG KURYENTE
Nananawagan si Senador Imee Marcos sa pamahalaan na magtakda ng mga kaukulang hakbang para mapangasiwaan kung hindi man maiwasan ang mga brownout sa panahon ng botohan sa susunod na buwan.
Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms na wala pa ring katiyakan ang kakayanan ng suplay ng kuryente bago at pagkatapos ng mismong araw ng botohan dahil sa magkakaibang pahayag ng Department of Energy (DOE) at mga pribadong grupo kabilang ang mga non-governmental organization Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC).
Una nang ipinarating ng DOE sa tanggapan ni Marcos ngayong Lunes na base sa apat-na-taon nilang talaan, ipinakikita na wala naman magaganap na yellow o red alert ang suplay ng kuryente sa Mayo, pero maaring tumaas bigla ang pangangailangan o demand dalawang linggo pagkatapos ng eleksyon.
Samantala, tinaya naman ng ICSC na kakapusin ng 1,335 megawatt ang supply ng kuryente sa Luzon sa pagitan ng Abril hanggang Hunyo kung kailan tumataas ang demand taun-taon.
“Kailangang agad tayong makapagkasa ng mga mekanismo para masiguro ang supply ng kuryente, bukod pa sa pagsasantabi muna ng mga iskedyul ng power maintenance. Hindi pwedeng iasa na lang natin sa pagkakataon,” diin ni Marcos.
Duda si Marcos na kayang madagdagan ang supply ng kuryente sa panahon ng eleksyon dahil wala pang naisasapinal and DOE at National Grid Corporation na hakbang sa pangongontrata para sa reserbang supply ng kuryente.
Para mapaghandaan ang mga posibleng blackout, hinimok ni Marcos ang DOE na balik-aralan ang kanilang “Interruptible Load Program (ILP) na pwedeng makabawas sa pasanin ng mga electrical power grid sa panahon at pagkatapos ng eleksyon sa Mayo 9.
“Kung pumalo sa yellow o red alert status ang paggamit ng kuryente, magagawa ng ILP na pakilusin ng mga power distributor na tulad ng Meralco ang kanilang malalaking customer na gamitin muna ang kanilang mga generator para suplayan ang publiko, sa halip na kumuha sa mga power grid,” paliwanag ni Marcos.
“Kailangan idetalye ng DOE ang pagsagawa ng ILP lalo na sa mga election hotspot kung saan ang halalan ay maaring isabotahe ng mga local terrorist groups,” dagdag ni Marcos.
Sa harap nito, sinabi ni Marcos na ang susunod na administrasyon ay kinakailangang pagtuunan ng pansin ang iba pang alternatibong mapagkukunan ng supply ng kuryente na tulad ng wind, solar at planta nukleyar.
“Sinuspinde noong nakaraang taon ang pagtatayo ng maraming coal-fired power plants, pero naging matagumpay ang Ilocos Norte sa paggamit ng solar at wind farms na patunay na uubra ang paggamit ng ‘renewable energy’ sa buong bansa,” ayon pa sa dating gobernador ng lalawigan.