Nakakatuwa si Teacher sa isang public school. During processional march nakita niya ang isa nyang estudyante na nagiisang walang black shoes.
Pinahiram niya agad ang kanyang black shoes dito para hindi naman naiiba o maleft behind sa kabatch niya. Hindi kasi lahat makakabili ng sapatos sa hirap ng buhay. Ok lang nakapaa si Ma’am basta maging masaya lang lahat ng kanyang mag-aaral sa araw ng graduation nila.
Kaming mga guro ito lang ang kasiyahan namin…ang matuto at makatapos ang aming mga estudyante, makuha ang kanilang mga pangarap,maging successful sa buhay at maenjoy ang magandang plano ni Lord sa buhay nila.
Congrats sa lahat ng nagtatapos ngayon! Congrats din sa mga guro at mga magulang!
Big fish na illegal recruiter at human trafficker, muling inaresto
Sa bisa ng arrest warrant mula sa RTC Branch 32 ng Zamboanga City, napasakamay muli ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ang kustodiya ng illegal recruiter at human trafficker na si ANDING PAKSATUL y IDRES o mas kilala bilang “HAJJI PAKSA” noong ika-29 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Ang suspek at ang isa pang hindi nakikilalang kasamahan nito ang nasa likod ng pagrerecruit ng mga aplikante patungong Syria at doon magtrabaho bilang mga household service worker. Si Paksa ang nagpoproseso ng mga pekeng dokumento ng mga aplikante, kasamang naghahatid sa mga aplikante sa Malaysia, Sri Lanka at Kuwait hanggang sa makarating sa Syria. Ang kasamahan ni Paksa ang may dala ng mga dokumento ng mga biktima at nakikipag-usap sa mga immigration officer ng ibang bansa. Siya din ang nag-eendorso ng mga aplikante sa agency at employer sa Syria kung saan nakararanas ng pangmamaltrato ang mga biktima nito.
Patong-patong na kaso ng Syndicated Illegal Recruitment at Trafficking in Persons at habambuhay na pagkabilanggo at milyong pisong multa ang hinaharap ni Paksa. Kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG RFU 9 sa Camp Batalla RTLim Boulevard, Zamboanga City habang hinihintay ang commitment order sa BJMP9.
Ang pagkakaaresto ng tinaguariang big fish na illegal recruiter at human trafficker na si Hajji Paksa ay itinuturing na halimbawa ng matragumpay na pagtutulungan ng Philippine Embassy sa Damascus, POEA, mga myembro ng Inter-Agency Council Against Trafficking at puwersa ng kapulisan partikular ang Women and Children Protection Center (WCPC).
Senator Imee R. Marcos expresses dismay over the recent decision of President Ferdinand Marcos, Jr. to veto House Bill No. (HB) 7575 or An Act Establishing the Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport, Province of Bulacan, Monday, July 4, 2022.
In a press conference, Marcos warned that the veto of HB 7575 may send a chilling effect on both local and foreign investors, dissuading them from investing their money in the country.
Furthermore, she lamented that the veto would result in the loss of potential economic gain for the government. (FRR)