SEN. LITO LAPID on POGO HEARING “HANDA ako  mag-RESIGN” -LAPID

SEN. LITO LAPID on POGO HEARING “HANDA ako  mag-RESIGN” -LAPID

MANILA, Philippines —  Sen. Lito Lapid said he would resign from his senatorial post if he is found guilty of being involved in the busted Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) located in his home province in Pampanga.
Lapid, in a Senate hearing on Wednesday, refuted claims of an unnamed vlogger who accused him of owning ten hectares of land containing 42 buildings of the Lucky South 99 Outsourcing Inc. in Porac.


HANDA umano si Senador Lito Lapid na magbitiw bilang Senador kung mapapatunayang sya ay sangkot o protektor sa operasyon ng POGO sa Pampanga. Ito ang pahayag ni Lapid sa kanyang pagdalo sa hearing ng Senado sa nabulgar na mga illegal na aktibidad at human trafficking sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga na niraid ng PAOCC at PNP.

“Gusto ko patunayan dito sa hearing na ito na wala po akong kinalaman dito sa operasyon ng Pogo at hindi po nakapangalan [sa akin] ang sampung hektarya [ng lupa] dyan sa Pogong ‘yan,” Lapid said.
(I want to prove in this hearing that I do not have anything to do with the Pogo operation and that the ten hectares of land are not under my name.)
“Kung ako napatunayan nila na kasali ako dyan, pwede ako magresign bilang senador. Dahil hindi ko po papayagan na masisira ang pangalan ko rito,” he added.
(I am challenging you here, if they prove that I am involved, I can resign as a senator. Because I will not allow my name to be ruined here.)
The senator’s statement arose during a conversation with Porac Mayor Jaime Capil, who sided with Lapid’s denial of involvement in the illegal operation.
Sa pagtatanong ni Lapid, sinabi ni Porac Mayor Jing Capil na hindi  pagma-may-ari ng Senador ang 10 hektaryang lupain na tinayuan ng iligal na POGO hub sa Porac, Pampanga. Nilinaw ng Senador na wala syang kinalaman sa operasyon ng POGO na syang inaakusa ng isang di pinangalanang vlogger. Sinabi ni Lapid na hindi nya dudungisan ang kanyang pangalan na dekada na nyang pinangangalagaan.

In response to the accusations hurled against him, Lapid called on the Senate to crack down on those responsible for the crimes committed under the cover of licensed Pogo operations.

Ayon kay Lapid, nagsilbi syang  vice-governor ng Pampanga,  three-term na governor  at ikaapat na termino na nya sakaling magwagi sa reeleksyon sa  2025 senatorial elections. “Hindi ako papayag na masira ang pangalan ko dito,” ayon kay Lapid.   

He likewise posed a challenge to the National Bureau of Investigation to go after the vlogger who supposedly tainted his name.

Hiniling ni Lapid kay NBI Director Jaime Santiago na beripikahin ang impormasyon na sangkot sa ibat ibang kaso at wanted sa batas ang vlogger ba umuupak sa kanya. 

Nauna rito, hiniling ni Lapid sa Senate committee on women children and family relations na isama sa imbestigasyon ang POGO operation sa Porac Pampanga at kasuhan ang mga taong sangkot sa mga karunal dumal na krimen sa illegal POGO.

— Florante R. Rosales, OS Lapid, Media Affairs