SEC. GADON, DINISBAR NG Supreme Court

SEC. GADON, DINISBAR NG S.C

SA botong 15-0 ng mga mahistrado ng Korte Suprema, tinanggalan ng lisensya sa pagka-abugado si Presidential Adviser on Poverty Alleviation(PAPA) Secretary Larry Gadon.

Napatunayan kasi ng high tribunal na si Sec. Gadon ay hindi karapat-dapat maging abugado dahil sa “misogynistic, sexist, abusive, and repeated intemperate language.”

Ginawa ng mga mahistrado ang hatol base sa viral video na nagpapakita kay Gadon na minumura at inaalipusta ang journalist na si Raissa Robles sa isang social media post nito laban kay President Bongbong Marcos noong 2022 presidential campaign.

Napagkaisahan ng mga mahistrado na ang mga salita ni Gadon ay “indisputably scandalous that it discredits the legal profession.”

Ang S.C. ruling ay kasunod nang pagkakatalaga kay Gadon ni Pang. Marcos Jr. bilang adviser for poverty alleviation.

Giit ni Gadon, hindi apektado ng kanyang disbarment ang trabaho nya bilang presidential adviser.

Pinagsabihan na umano sya ng Pangulo na wag nanh gumamit ng masasakit na salita ngayong isa na syang government official.