Camarines Norte – Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng libreng serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte sa pangunguna niย Centennial Governorย Edgardo Angeles Talladoย kasama ang nag-iisang anak nila ni Congresswomanย Josefina B. Talladoย na si Provincial Administratorย Alvin Tallado.

Hatid ng tanggapan ng dalawa ang Multi-Services Caravan na isinagawa sa apat (4) na barangay ang San Roque, 5, 6 at 7 ng bayan ng Mercedes kasama rin ang suporta ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Acting Vice Governorย Concon Panotes, Board Membersย Renato Atoy Morenoย atย Joseph Stanley Alegreย ngayong araw, January 9, 2020.
Katatapos pa lang ng nasabing libreng serbisyo sa mga barangay na nabanggit ng kung saan ginanap ito sa San Roque Covered Court at Jimmy Pajarillo Sports Complex. Daan-daang mga residente dito ang nagtungo sa lugar upang makatanggap ng mga benepisyong hatid ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ayon kay Gov. Egay, “walang ibang mas masarap sa pakiramdam kundi ang makita ang mga taong masaya dahil sa mga tulong at serbisyong naihahatid nila sa mga ito na kung saan prinayoridad na nito ang paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.“
Ayon naman kay Acting Vice Governorย Concon Panotes, ang pagtulong sa mamamayan ang isa sa mga ipinagpapatuloy ng Tatak Tallado na legasiyang inumpisahan simula pa ng manungkulan ang Ama ng Lalawigan na si Gov.ย Edgardo Angeles Tallado.
Sinabi pa nito na sa loob ng ilang dekada, ang Serbisyong Tallado ay isang paraan ng pamilya ng mga ito upang maibalik ang kanilang walang katapusang pasasalamat sa mga taong nagtitiwala sa kanila.
At ang nasabing serbisyo ay isang paraan upang mas epektibong maiparating sa mga mamamayan ang mga benepisyong nakalaan para sa mga tao mula sa pamahalaan.
Ang nasabing mga serbisyong hinahatid ang isa sa mga dahilan kung bakit nagtitiwala ang mga botante kay Governor Egay Tallado hiwalay pa sa mga proyekto at programang naisagawa na at sa kasalukuyan ay pinapakinabangan ng bawat barangay.
Ayon sa mga residente, dahil sa sipag at husay ng mga ito, hindi maipagkakailang โnumber oneโ sila sa puso at isipan ang Serbisyong Tallado para sa mga mamamayan ng Camarines Norte.

Please leave a comment and give us your most love star rating to keep us going! We love you all.

The mostย successful people I know trust their gut, make a decisionย quickly, and then focus on making that decision, the rightย decision.
Today’s Quotation







