AKSYON BANTAY OFW TINUTUKAN ANG ISANG KASO : FOUL PLAY SA PAGKAMATAY NG ISANG PINAY OFW SA KUWAIT, PAMILYA SUMISIGAW NG HUSTISYA
Sumisigaw ng paghingi ng katarungan ang pamilya ng 26 na taong gulang na pinay domestic helper mula sa Kuwait na umuwing malamig na bangkay sa kanilang lalawigan sa Puerto Pricesa City sa Palawan kamakalawa.
Sa naging panayam ng Aksyon Bantay OFW sa pamilya ng biktima, hiniling ng kanyang pamilya na imbestigahan ang buong pangyayari sa pagkamatay na OFW na dumating nitong August 7 lamang. Ayon kay Karen Castillo, humihingi sila ng tulong kay Pangulong Duterte dahil gusto nilang malaman nag buong katotohanan sa pagkamatay ng kanyang kapatid na bunos sa Kuwait.
Sa report ng kanyang amo na si Mohammed Jassim Banbar sa Kuwaiti police, nagbigti daw ang biktima dahil sa problema nito. Pero duda ang ate ng biktima na nagsuicide ang kanyang kapatid dahil excited na nga siyang umuwi sa Puerto Princesa city. Nitong January 2019 pa tapos ang kontrata ng kanyang kapatid sa kanyang amo at muling nakausap niya ang kanyang kapatid nitong July 12 pero, napaulat itong nawawala noong July 19.
ISANG PINAY OFW DIN ANG NAGPAHATID NG KANYANG HINAING SA ATING PROGRAMANG AKSYON BANTAY OFW HINGGIL SA RAPE NA GINAWA SA KANYA NG KANYANG AMO SA KUWAIT AT NG MGA KASAMAHAN NITO.
