Day: Jul 11, 2019
DENGUE CASES, LUMUBO NGAYONG KALAHATING TAON NG 2019 MATAPOS ANG DENGVAXIA CONTROVERSY
DENGUE CASES, Lumubo ngayong kalahatian ng taon 2019 matapos ang Dengvaxia Controversy, Ikinabahala ng Department of Health ang dobleng paglobo ng dengue cases sa bansa sa nakalipas na anim na buwanngayong 2019.

Dahil natakot sa bakuna ang mga pinoy lumubo pa ang bilang ng mga taong dinapuan ng dengue fever sa bansa sa nakalipas na anim na buwan ngayong taon.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, mas mataas ng 80 porsyento o halos dumoble ang kaso ng dengue matapos maitala sa 98, 179 cases mula january 1 hanggang June 22, 2019 na may 428 ans nasawi, kumpara noong 2018 na may 53, 475 cases ang naitala ng DOH.
Ginawa ni Sec. Duque ang pahayag matapos pangunahan ang school – based immunization sa Valenzuela City. SIinabi ni Duque na ang pinakamataas na kaso ng dengue ay noong 2016 ng ipinatupad ang kontrobersyal na dengvaxia immunization program sa ilalim Ani dating kalihim Sec.Janeth Garin na marami ang naiulat na namatay.
Umapela si Duque sa mga magulang na magpabakuna kontra dengue dahil libre ito sa mga health center at mga paaralan sa buong bansa.
Target ng DOH na mabakunahan ang may 9-milyong kabataang estudyante ngayong 2019. Kinupirma naman ng kalihim na may bagong dengue vaccine na isinailalim sa clinical trial ngunit hindi pa aniya alam ang buong detalye nito.
“IT’S not a question of wether we should look for it (VACCINE ON DENGUE). The question is, is ther anything that’s available? There is one that is being clinically tried. But how complete the clinical trials have been, I don’t have the answer,” ayon kay Duque.
Nauna rito, nagdeklara ng dengue outbreak ang local government ng Iloilo at Capiz nitong nakalipas na Linggo dahil sa tumataas na bilang ng mga dinapuan ng nakamamatay na sakit. Sa Iloilo, nagkakaubusan ng mga hospital bed dahil sa dami ng mga pasyente sa Ramon Tabiana Memorial District Hospital. Pumalo na sa 20 pasyente ang namatay sa 4,306 Dengue Cases ang nairekord sa Iloilo mula Enero hanggang Hunyo. Mas mataas ito kumpara sa 400 kaso ng dengue sa parehas na panahonnoong nakalipas na taon.
Sa Cotabato, may 3,350 cases o higit doble ang paglobo kumpara sa 1,089 cases noong 2018.

Sa CARAGA Region, 6,100 dengue cases na ang naitala sa unang 7 buwan ng 2019 kumpara sa 1,869 naitala noong nakaraang taon.
Sa Northern Mindanao, pumalo na sa 10,290 ang dengue cases kumpara sa higit 6,000 cases sa nakalipas na anim na buwan noong 2018C.
Pinayuhan naman ni Dr. Richard Mata ng World Health Organization, ang mga pasyente na ugaliing uminom ng maraming tubig para tumaas ang kanilang platelet counts.

